GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSIYON NG NATUTUHAN SA FILIPINO
Ang modyul sa Filipino 10 ay naglalaman ng mga Aralin hinggil sa Panitikang Pandaigdig at mas mataas na lebel ng mga kompetensi sa gramatika at retorikang Filipino. Ang bawat linggo ng aralin ay kinapapalooban ng mga pinakamahahalagang kasanayan (MELC) na dapat ninyong makamit bago matapos ang inyong taon sa ika-10 baitang. Ang pagbabasa at pagsasagot ng mga gawain sa bawat linggo ay makatutulong upang makamit ang mga pinakamahalagang kasanayan kahit na nasa Modular Distance Learning at nasa inyo-inyong malayang pagkatuto (independent learning). Ang mga kasanayang ito ay makapagdudulot sa inyo upang kayo ay maging isang mag-aaral na may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit ninyo sa inyong tatahaking landas sa Senior High School o maging sa mas mataas na antas ng edukasyon. Bilang isang mag-aaral mahalaga na sa bawat linggo ay makamit ninyo ang mga kasanayang ito.
Kaya naman upang mas masukat ninyo sa inyong sarili at ng inyong guro ang inyong mga natutuhan sa mga aralin sa bawat linggo, kayo ay bubuo ng isang repleksiyon ng natutuhan na nasa anyong TALATA.
Dahil kayo ay nasa ika-10 baitang na marami na kayong kompetensi na nakuha mula pa noong kayo ay nasa ika-7 baitang. Kaya naman ang repleksiyon na inyong gagawin ay binubuo ng tatlong bahagi:
1. DATING ALAM – sa bahaging ito inyong isusulat ang lahat ng inyong dating alam o mga natutuhan na noon hinggil sa paksang tinatalakay. Halimbawa, kung ang paksa ng Aralin ay hinggil sa pokus ng pandiwa, dapat maisulat ninyo ang kahulugan ng pandiwa, aspekto ng pandiwa at mga halimbawa nito. Kung may mga mahahalagang karanasan na maaaring isalaysay kung paano natutuhan ang mga ito ay maaari din isulat. Halimbawa ay kung sinong guro ang nagturo nito, anong baitang mo nang natutuhan at iba pa.
2. BAGONG ALAM – sa bahaging ito ay inyo naman isusulat ang mga bagong natutuhan sa aralin. Tandaan na ang asignaturang Filipino ay hindi lamang umiikot sa kahulugan ng Wika at Panitikan, mahalaga ring binibigyang-pansin ng asignatura ang KULTURA, ARAL, at KARANASAN na mapupulot at masasalamin sa mga akdang binasa. Mahalaga ito sapagkat makatutulong ito sa kaganapan ng inyong pagkatao. Kung may mga sariling karanasan na may kaugnayan sa mga akdang binasa ay maaari ding isulat.
3. GAMIT SA ALAM – sa bahagi naman ito inyong isusulat ang maaaring kapakinabangan o gamit ng lahat ng inyong natutuhan sa inyong buhay lalo’t higit sa hinaharap. Ito rin ang magsisilbing konklusyon ng inyong repleksiyon kung saan nakalahad ang pinakasentro ng inyong pagkatuto. Sa bahaging ito kinakailangan ay inyong malawak na pagtingin sa asignaturang Filipino kung paano ito magiging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay lalo’t higit sa inyong hinaharap.
Gawing personal ang tono ang inyong repleksiyon.
Narito ang halimbawa ng istruktura ng inyong gagawing repleksiyon
REPLEKSIYON SA LINGGO 1-2
Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon
Natutuhan ko sa aking mga nakaraang baitang na ang pananaw o opinyon ay nakatutulong upang makapagbigay ng mga karagdagang ideya o kaisipan na nakabatay sa sariling perspektiba. Nabatid ko rin na ang mga ito ay hindi dapat basta pinagbabatayan kung katotohanan ang hinahangad. Ang mga pahayag batay sa sariling pananaw ay hindi maituturing na mali sapagkat ito’y nakabatay rin sa karanasan at saloobin ng nagsabi o nagsalita.
Sa araling ito, aking pang natutuhan na ang pagpapahayag ng pananaw o opinyon ay mas magiging mabisa kung ito ito ay gagamitan ng mga salitang nagpapahayag dito tulad ng, sa ganang akin, para sa akin, base sa aking karanasan at iba pa.
Kaya naman, ang mga natutuhan kong ito hinggil sa Opinyon o Pananaw ay aking magagamit upang mas maipahayag ko pa ng mas maayos ang aking mga sinasabi at makapagdulot sa akin ng mabuti at kapakipakinabang na pakikipagkomunikasyon.
RUBRIKS SA PAGBIBIGAY MARKA SA GAGAWING REPLEKSIYON
PAMANTAYAN |
|
|
|
|
Nilalaman |
|
|
|
|
Daloy at Kaisipan ng bawat pahayag |
|
|
|
|
Kawastuang Panggaramatika |
|
|
|
|
* Abangan ang update ng post para sa rubriks sa pagbibigay marka.
Download Here:
REPLEKSIYON NG NATUTUHAN SA FILIPINO
0 Comments