Mga Guro sa PCHS Sinuong ang Bakawan Maabot Lamang ang mga Magulang ng Kanilang Mag-aaral
Ulat ni: Mar Z. Holanda
Agosto 10, 2020 - Sa isinagawang presentasyon ng plano ng paaralan para sa darating na pasukan at oryentasyon sa mga magulang hinggil sa Brigada Eskwela at Balik Eskwela ng Pitogo Community High School (PCHS) noong nakaraang linggo sa iba't ibang barangay ilan pa rin sa mga ito ang hindi nakadalo sanhi ng kani-kanilang personal na dahilan. Kaya naman, upang maipaliwanag at maunawaan ng lahat ng mga magulang ang proseso na gagawin ng kanilang mga anak sa darating na pasukan nagbahay-bahay ang mga guro sa PCHS.
Hindi naman alintana kay Mam Angie, guro I ng Pitogo Community School (PCHS) ang sukal ng bakawan na kanilang dinaanan sa paghahanap ng bahay ng kanilang mag-aaral.
Aniya "Hindi rin biro ang pasikot sikot na daan sa barangay para mahanap ang mga bahay ng mga bata."
Inisa-isa ni Bb. Austria kasama pa ang isang guro ang mga bahay ng mga magulang ng kanilang hawak na seksyon.
Sa video mapapanood ang pagsuot nito sa bakawan at makikita sa larawan ang pagtawid sa lumang tulay ng nilantangan upang makarating sa kanilang destinasyon.
Dagdag pa ng guro, trabaho niyang ipabatid sa mga magulang ang lahat ng nangyayari sa paaralan kahit na isa-isahin pa niya ang mga ito.
Sa 864 na mag-aaral na nagpatala sa paaralan sa tinatayang 5 porsyento ng mga magulang ang hindi nakadalo. #
Sina Ma'am Angie Austria (kanan) at Sir Jomel V. Escamillas (kaliwa) habang tinatawid ang lumang tulay ng nilantangan.
0 Comments