Orihinal na Katha ni Mar Z.Holanda
Ang Baryo Mayoboc ay ang dating baryong
pinagmulan ng mga mamamayan sa bayan ng Pitogo sa lalawigan ng Quezon. Ang
lugar na ito sa kasalukuyan ay tinatawag na Brgy. Pinagbayanan. Ayon sa
nakatalang kasaysayan ng bayan ng Pitogo, taong 1600 unang nagkaroon ng
pamayanan sa lugar na ito. Bago pa dumating ang mga kastila nadatnan na nilang
may pamayanan dito na tinatawag ng mga katutubo na Mayoboc. Ang kuwento sa Hiwaga ng Baryo Mayoboc ay mga mito at
kuwentong kathang-isip sa panahon ng paganismo, panahon na naniniwala ang mga
tao sa iba’t ibang diyos. Sa kuwentong ito mauunawaan ng tao kung saan nagmula
ang baryo Mayoboc bago pa maituro ng mga kastila ang Kristiyanismo sa bayan.
Ating tunghayan saan nga na nagmula ang Baryo Mayoboc?
0 Comments