Para makita ang inyong Individual Record, hanapin at i-click ang inyong pangalan o Student Control Number sa ibaba:
PLATINUM MALE
PLATINUM FEMALE
ANO BA ANG LEARNER'S INDIVUDAL RECORD?
Ang Learner's Individual Record (LIR) sa Filipino ay mga tala ng mga gawaing pangkwaderno, papel at iba pa, mga kinuhang pagsusulit, ipinasang proyekto, mga marka sa bawat kwarter, mga partisipasyon, araw ng pagpasok at pagliban, mga hindi magandang ugali sa paaralan ng bawat mag-aral sa asignaturang Filipino na inihanda ng guro upang madaling makita at masiyasat ng parehong guro at mag-aaral ang mga kulang ng mag-aaral sa kanilang mga kinakailangan upang maipasa ang asignatura. Ito ay maaaring i-access online na may layuning ipadala agad at makita ng mga mag-aaral at magulang ang pag-unlad ng bata sa klase sa naturang asignatura kahit nasa bahay lang o sa anumang oras basta mayroong internet.
Sinisiguro ng guro na ang site na kinaroroonan ng LIR ay taglay ang password bago ito ma-access at tanging ang mag-aaral lamang ang nakaaalam batay sa panuto ng guro kung paano ito bubuksan.
ANO-ANO ANG MAKIKITA SA LIR?
Makikita sa LIR ang mga sumusunod:
1. QUIZZES - Sa bahaging ito nakatala ang maiikling pagsusulit ng mag-aaral sa bawat markahan.
2. PERFORMANCES/PROJECTS - Sa bahaging ito naman nakatala ang mga pagganap ng mag-aaral at ipinasang proyekto batay sa mga araling ibinigay ng guro.
3. ACTIVITY NOTEBOOK - Sa bahaging ito naman nakatala ang iskor ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang ipinasang gawain na naksulat at pinagawa sa kwaderno. Ang bawat aralin maaring makakuha ng 4 na pinakamataas na puntos depende sa krayterya sa pagwawasto na napagkasunduan ng guro at mag-aaral.
4. EXAM - Sa bahaging ito naman ay makikita ng iskor ng mag-aaral sa kanilang markahang pagsusulit.
5. GRADES - Dito makikita ng mag-aaral ang kanilang Initial Grade at Final Grade na itatala naman ng guro o isusumite sa mga tagapayo upang isulat sa SF9 o Report Card. Maari ding magkaroon ng Recomputed Grade ang mag-aaral depende sa ipinamalas niya sa klase at nakakuha ng Interbensyong Gawain o Remedial Class.
6. Notes - Sa bahaging ito makikita ng mag-aaral ang paalala o tala ng guro kung may kailangan siyang tapusin o ipasa. Maaari ding makita sa bahaging ito papuri ng guro sa ipimalas na kahusayan sa klase.
7. ATTENDANCE - Sa bahagi namang ito makikita ng mag-aaral ang tala ng kanilang mga pagpasok at pagliban sa bawat buwan. Tandaan na katumbas ng isang pagliban ang 3 pagkahuli. Ang pagliban ng walang katanggap-tanggap na dahilan ay ikinokonsiderang pagliban. Ang madalas na pagliban ay maaaring makaapekto sa marka ng mag-aaral o mas malala ay magdulot sa kaniya upang bumagsak sa asignatura.
8. PARTICIPATION - Sa bahaging ito makikita ng mag-aaral ang lista ng kanilang mga extra curricular activities na may kinalaman sa asignaturang Filipino. Halimbawa sila ay lumahok sa mga paligsahan sa mga program ng Filipino, sumali sa mga panonood ng teatro o kaganapan sa labas ng paaralan na may kinalaman sa asignatura tulad ng paglaban sa talumpati, sabayang pagbasa, atbp. o di naman kaya ay nagkaroon siya ng kontribusyon bilang manunulat ng publikasyon o miyembro at opisyal ng Filipino Club. Ang mga puntos na naiipon dito bagamat maaaring makapagpadagdag puntos sa marka ng mag-aaral mas malaki ang bahagi nito upang hirangin siya bilang Pinakamahusay na Mag-aaral ng Asignatura (Outstanding Learner in Filipino).
9. ANECDOTAL - Sa bahaging ito naman makikita ng mag-aaral at nakatala ang mga hindi magagandang pag-uugali ng mag-aaral na labag sa alituntunin ng klase at paaralan na dapat bigyan ng pansin.
PAANO BUKSAN ANG IYONG LIR?
Una, hanapin ang search bar sa itaas at i-type ang inyong pangalan no Control Number. Pangalawa, i-click ang pangalan at direktang dadalhin ka nito sa iyong LIR
Para sa iba pang katanungan, pindutin ang alinmang social icon sa itaas at magpadala ng mensahe