GABAY SA PAGSULAT NG BALITA

Ano nga ba ang Balita?

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

  • Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.
  • Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
  • Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine. 
Kahalagahan ng Balita

1. Nagbibigay impormasyon
2. Nagtuturo
3. Lumilinang
4. Nakapagpapabago

Mga Katangian ng Balita
 
1. Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
2. Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng sangkot.
3. Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
4. Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Bahagi ng Balita

1. Ulo ng Balita - ito ang magsisilbing pamagat ng balita. Taglay nito ang makapamukaw-atensyong katangian at kawili-wili na hihikayat sa mambabasa na ipagpatuloy na basahin ang balita.
2. Pamatnubay (Lead) - Dito nakalahad ang lahat ng mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa. Ito ang puso ng balita.
3. Katawan - Dito naman nakalahad ang suportang detalye sa pamatnubay.

Sa pagsulat ng balita huwag kalimutan ang Inverted Pyramid. Ito ang magiging gabay upang matimbang mo kung aling detalye sa balita ang dapat ilagay sa una at sa huli.
Sa pagsulat ng balita sundin lamang ang sumusunod na istruktura:

Lead – Ano, Sino, Bakit, Kailan (So What)
Ika-2 Talata – Saan (kailan), dito ipinapaliwanag nang malinaw lahat ng impormasyong nakatala sa pamatnubay (lead)
Ika-3  - “Direktang kotasyon na susuporta sa lead” apelyido ng nagsabi.
Ika-4 – Nakalaan para sagutin ang tanong na Paano o Bakit.
Ika-5 – maaari ditong ilagay ang dagdag na impormasyon, depende sa halaga ng nito.
Ika-6 Suportang sa background na talata.
Ika-7 – “isa pang direktang kotasyon na hindi nakakabagot”, sabi niya.
Ika-8 – Isa pang dagdag na impormasyon
Ika-9  Suportang Talata sa dinagdag na impormasyon
Ika-10 – Isa pang dagdag na impormasyon.

Halimbawa:

Ulong-balita – Kursong STEM sa Mataas na Paaralan ng Liwaway, malabo pa rin – Admin

LEADSinabi ng Mataas na Paaralan ng Liwayway na hindi pa rin sila handa para magbukas ng Science Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa susunod na mga taon dahil kulang pa ang pasilidad.

Ikalawang Talata  
Batay sa panayam ni Allan S. Sitas, Vice Academic Affairs ng paaralan ng PL, noong ika-13 ng Hulyo sa Southville Training Camp na kinukonsidera nila ang nasabing strand na buksan sa dalubhasaan ngunit hindi ito kayang madaliin tulad ng naunang apat na strands na sinimulan na noong taong panuruan 2015 – 2016.

Ikatlong Talata
“We really want to offer STEM kasi ‘yun lang talaga ‘yung Acadamic strand na wala tayo dito sa LP pero hindi naming kayang i-offer dahil sa dami ng requirements like teaching force and facilities needed sa mga core and applied subjects”, paliwanag ni Sitas.

Ikaapat na Talata

Asikasuhin muna ng paaralang ang kinakailangang dokumento at dadagdagan ang pasilidad upang maaksyunan ang suliranin nila sa paaralan lalo na’t lumulobo ang bilang ng mag-aaral na kumukuhan ng STEM strands.

Ikalimang Talata

Ayon sa report ng paaralan, mahigit na 15 porsyento ng mga Grade 10 completers ay lumipat ng paaralan sa siyudad para kumuha ng STEM at iba pang kurso sa SHS, bagay na naiintindihan naman ng pamunuan.

Ikaanim na Talata
“Wala naman kaming magagawa kung gusto talaga ng bata na nasa linya na ang strand nila sa kursong kukunin nila sa college. The least we can do is to help them in processing the documents needed para sa kanilang pagta-transfer’, wika bise.

Ikapitong Talata

Samanta, hindi naman sinasaraduhan ng pamunuan ang pinto para pag-aralan ang posibilidad ng pagbubukas ng STEM sa paaralan sa mga susunod na taon.

 


Post a Comment

0 Comments