TAKTIKA SA PAGKATHA NG LATHALAIN
ANO BA ANG LATHALAIN?
Ang LATHALAIN ay mga istoryang makatotohanang at hindi kathang-isip.
KATANGIAN NG LATHALAIN
· KAILANGANG KAKAIBA O DI PANGKARANIWAN
· NAKAPAGBIBIGAY NG INSPIRASYON
· MAKATOTOHANAN
· MALIKHAIN ANG PAGLALAHAD
· NAPAPANAHON
· NAKAPUPUKAW NG DAMDAMIN
APAT NA BAHAGI NG LATHALAIN
1. PAMAGAT – Direkta ang pagkakalahad ng pamagat
Mali – LABAN PINAY!
Tama – 5 Bayaning Filipina na Bumago sa Kasaysayang Filipino
Mali – Edgar Siman: Youtube Vblogger
Tama – Muling Pagkabuhay ni Edgar Siman sa Youtube Vblogging
2. PANIMULA –
· Mag-uumpisa sa punto o diwa ng lathalain
· Nakaaakit sa mambabasa
· 1 – 5 Talata lamang
MALI
· Nainlove ka na ba?
· Nakaligo ka na ba dagat ng basura?
· Mapula, Madumi, Maburak
· Nagmahal, Nasaktan, Nag-Feautre Writer
· Ang kabataan ay pag-asa ng bayan
· Kapag natutunan mong mahalin ang iyong sarili; pinakamahusay na maaring gawin sa sarili
TAMA
· Sa kinahaba-haba ng kanyang prusisyon, sa rampa ang kaniyang naging tuloy. Animnapung taong naghintay si Deshun Wang, 80, bago niya nakamit ang kaniyang inaasam-asam na pangarap – ang maging modelo.
3. KATAWAN
· Dapat ilalagay ang detalye
· Gagawa ng mahusay na anggulo
· Huwag maligoy ang paglalahad
May asim pa si lolo: Ang pagtupad sa pangarap ngtinaguriang “Hottest Grandpa in the World” (PAMAGAT)
Sa hinaba-haba ng kaniyang naging prusisyon, sa rampa pa rin ang kaniyang naging tuloy. Animnapung taong naghintay si Deshun Wang, 80, bago niya nakamit ang kaniyang inaasam-asam na pangarap – angmaging isang modelo. (PANIMULA)
Nagsimulang mangarap sa Shenyang, China kung saan siya isinilang, hindi naging madali ang paglalakbay ni Deshun patungo rito. Subalit, nakikita niyang inihanda siya ng tadhana para sa kaniyang kaganapan. Bago ang pagsabak sa rampa, unang tumuntong sa entablado ang Hottest Grandpa sa edad na 24 bilang aktor sa teatro. At ang kaniyang pagmamahal sa pagtatanghal ay naipagpatuloy niya nang siya ay tumungo sa Beijing bilang pantomime artist ng grupong “Beijing Drifters”.
Sa pagsapit ng kaniyang ika-50 taon, nakita niya ang kahalagahan ng pagpapaganda ng katawan. Dito siya unang pumasok sa kaniyang kauna-unahang fitness gym.
Kasabay ng pagganda ng kaniyang katawan, muli siyang nagbalik sa entablado bilang isang “living sculpture”. Dito, ipinagpapalagay niya ang kaniyang sarili bilang isang iskulptura. (KATAWAN)
Nagpatuloy ang kaniyang pagnanais na mapaganda ang kaniyang katawan kahit na siya’y 70 taong gulang na. Kaya hindi kataka-takang nakasungkit siya ng pagkakataon na maging modelo sa kalaunan. Sa edad na 79, naganap ang kaniyang unang pagrampa. Patunay si Deshun Wang na hindi hadlang ang edad sa pagtupad sa pangarap. Sa katunayan, hinihikayat niya ang lahat na huwag huminto kahit anong mangyari.
“No one can keep you from success except yourself,” ani Wang. At sa pagkakataong kumatok ang tamang oportinidad, payo niya sa lahat, “When it’s time to shine, be the brightest.” (KONGKLUSYON)
4. KONGKLUSYON
· Magtapos ka kung saan nag-umpisa
Before Gal Gadot, there was Irene Habijan – my Wonder WoMom
Halimbawa ng introduksiyon at konklusyon:
INTRODUCTION:
Everyone is looking for Wonder Woman in Israel. But, I have found her in the Philippines.
CONCLUSION:
"Only love will truly save the world," said Wonder Woman. And without doubt, my own Wonder Woman's love saved my world!
0 Comments