ANG
TINAGURIANG TREYNOR-GARD NG PCHS: Tatang Sammy Ikaw Na!
§ ni: Elaine C. Delos Reyes – Patnugot sa Lathalain
Tila wala nga sa edad ang
ka-astigan. Ito ang napatunayan ni Samson Musa sa kaniyang pagiging treynor ng
Lawn Tennis at pagiging gwardiya.
Sa edad na 65 patuloy pa ring hinahasa ni
Tatang Sammy ang mga kabataan ng Pitogo Community High School sa isports na
Lawn Tennis. Sa mahigit isang dekada niyang pagiging gwardiya sa paaralan
pinagsasabay niya ang pagbabantay sa paaralan at pagtuturo ng sa mga bata.
Ayon sa kaniya masaya siyang turuan ang mga
batang Pitoguhin bukod sa hilig din niya ang paglalaro ng tennis nasisiyahan
siya kapag nakikita niyang natututo at nananalo ang kaniyang mga tinuturuan. “sapamamagitan
ng pagtuturo ko sa kanila ng lawn para na ring inilalayo ko siya sa kapahamakan
katulad ng mga bisyo na natututuhan ng mga kabataan ngayon.” Paliwanag niya.
Walong taong gulang pa lamang si Sammy nang
mahilig siya sa lawn tennis. Nagsimula siya sa pagiging ‘pulot boy’ o tagasimot
ng bola ng isports. Edad siyam na taon, noong siya ay nasa ikaapat na baitang
ay naging manlalaro na siya nito. Ngunit
natigil ito nang siya ay mahinto sa pag-aaral dahil sa pagkamatay ng kaniyang
ama.
Sa murang edad naranasan na niya ang magbanat
ng buto. Naging mangingisda siya sa loob ng 25 taon. Dahil sa kaniyang
kasipagan tatlo sa kaniyang anim na mga anak na ang nakapagtapos ng pag-aaral.
Sa paglipas ng panahon tila kapatid niya ang
paglalaro ng lawn tennis. Naging gwardiya siya sa paaralang Pitogo Community
High School at doon niya ginamit ang kaniyang galing sa kinahiligang isports.
“Mabait at matiyagang magturo si tatang Sammy” wika ni Bianca, isa sa mga
tinuturuan niya.
Katulad ng pagpalo ng bola, hindi alam kung
saan pupunta ngunit kukunin pa rin hanggang kaya. Ang edad nga ay isa lamang
numero, bagamat ang pagtulong ay hanggang dulo.
Astig ka talaga Tatang Sammy!#
0 Comments