TALAMBUHAY | SI ESTRELLA Z. HOLANDA



 Ang Talambuhay ni Estrella Zamora Holanda
isinulat ni Mar Z. Holanda (Pebrero 14, 2022)

Ipinanganak si Estrella Formigones Zamora sa Brgy. Masaya Pitogo, Quezon noong Diyembre 18, 1963,  kina Gng. Leonisa Formigones at Pablo Zamora.

Bata pa lamang siya ay mulat na siya sa kahirap, dahil walang hanapbuhay ang kaniyang nanay noon at tanging pagpapanday at pagtatanim ang pinagkakakitaan ng kaniyang ama.

Dahil sa kakapusan, si Estrella ay nakaranas ng pagtatrabaho sa murang edad upang matulungan ang kaniyang mga magulang at may maibigay na pagkain sa kaniyang mga kapatid.

Pangalawa sa panganay si Estrella. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Esperanza, ang panganay, Faustino, ang pangatlo, Si Violeta, pang-apat at si Pablito ang bunso.

Liban kina Esperanza at Faustino na nakapag-aral hanggang sekundarya dahil sa pagtira sa ibang tao noon, ay wala na sa kanila ang nakapagtapos. Samantala may sampu pa silang kapatid sa mga naunang pamilya ng kanilang mga magulang. Limang unang anak ng kaniyang ina sa unang asawa, at lima rin sa kanilang ama. Kaya sa kabuoan ay labinlima silang lahat na magkakapatid.

1980, edad labing-anim, ikinasal at napangasawa ni Estrella si Crisostomo Villaflor Holanda, na kapwa taga Pitogo. Biniyayaan sila ng siyam na anak, anim na lalaki at tatlong babae, Sina Harold na nakatira ngayon sa Calauag, Quezon, may sariling sinasakang lupa ng kaniyang Beyanan , may pamilya at dalawang anak, si Crisostomo Jr. na nagtatrabaho sa Reina Mercedes Fishing Company sa Lucena City ngunit nasa Brgy. Cabulihan Pitogo, Quezon ang kaniyang napangasawa at 2 anak, si Lazaro na nasa Construction sa Mulanay Quezon, kasama ang kaniyang pamilya at 3 anak , si Rowena na nasa Bikol, Albay, may-bahay ng kaniyang asawa at 8 mga anak,si Paul Heart na driver sa Reina Mercedes Fishing Company, Lucena, City kasama ang kaniyang asawa at 1 anak, si Mary Jane na nasa Brgy. Biga Pitogo Quezon, may-bahay ng kaniyang asawa at 3 anak, si Carmina na nasa Bulacan, may-bahay ng kaniyang asawa at 3 anak, si Mar, isang guro sa pampublikong paaralan dito sa bayan ng Pitogo at si Christopher isang mag-aaral sa kolehiyo.

Noon Oktubre 29, 1999 sumakabilang-buhay ang kaniyang asawa at naiwan sa kaniya ang mga musmos na mga anak. Kaya binuhay niya itong mag-isa hanggang sa magkaroon ng sarili-sarili nitong mga buhay at pamilya.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakatira si Estrella sa bayan ng Pitogo, Brgy. Masaya kasama ang dalawa niyang bunsong anak at isang apo. 


Larawan kasama ng siyam na anak:


Larawan kasama ang siyam na anak ang mga pamilya:





Post a Comment

0 Comments