MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELC) FILIPINO 10

Listahan ng mga Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

Listahan ng mga Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

Kompletong listahan ng mga Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) na inayos bawat linggo, na ngayon ay kinabibilangan na ng kaukulang Tema, Pamantayang Pangnilalaman, at Pamantayan sa Pagganap para sa bawat markahan.

TEMA: Panitikang Mediterranean

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critque tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

Unang Linggo (6 Araw)
  • PN 1: Naipahahayag mahalagang kaisipan sa napakinggan
  • PB 2: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: Sarili, pamilya Pamayanan, lipunan, daigdig
  • PT 3: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
  • PD 4: Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya
  • PS 5: Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
  • PU: Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa
  • WG: Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan
  • WG 6: Nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan; pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing, pinaglalaaanan at kagamitan,sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; tagaganap at layon sa isinulat na sariling kuwento
  • EP: Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon (internet, silid aklatan, at iba pa)
Ikalawang Linggo (5 Araw)
  • PN 7: Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-
  • PB 8: Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong; binasang mitolohiya
  • PT 9: Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda;ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdain
  • PU: Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage na may kaugnayan sa paksa
  • WG 10: Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)
Ikatlong Linggo (6 Araw)
  • PB 11: Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media
  • PB 12: Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda,ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento
  • PT 13: Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
  • PD 14: Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig
  • PS: Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming
  • PU 15: Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig
  • WG 16: Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
  • EP: Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid-aklatan, internet, at iba pang batis ng mga impormasyon
Ikaapat na Linggo (6 Araw)
  • PN 17: Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko
  • PB 18: Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinakaharap ng suliranin ng tauhan
  • PB 19: Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa
  • PT: Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin
  • PT 20: Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda
  • PD 21: Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan
  • PU 22: Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino;sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa;suring-basa ng nobelang nabasa o napano1od
  • WG 23: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Ikalimang Linggo (6 Araw)
  • PN 24: Naipaliliwanag ng ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig
  • PB 25: Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa
  • PT 26: Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap
  • PD: Nakikibahagi sa round table discussion kaugnay ng mga isyung pandaigdig
  • pu: Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino
  • WG 27: Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan
  • EP: Nakagagamit ng internet para sa pananaliksik
Ikaanim na Linggo (6 Araw)
  • PN 28: Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo
  • PB 29: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw
  • PT 30: Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining)
  • PD 31: Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata ng nobela
  • PS 32: Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata
  • PU: Naisasadula ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga piling pangyayari sa kabanata ng nobela
  • WG: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Ikapitong Linggo (5 Araw)
  • PN 33: Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan
  • PB 34: Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
  • PT 35: Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at simposyum
  • PS: Nailalahad nang malinaw sa isang simposyum ang nabuong critique ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
  • PU: Naisusulat ang isang critique ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean

TEMA: Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

Unang Linggo (6 Araw)
  • PN 36: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
  • PT 37: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
  • PD 38: Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
  • PS: Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiya
  • PU 39: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
  • WG: Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing
Ikalawang Linggo (6 Araw)
  • PN 40: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan
  • PB 41: Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig F10PB-IIa-b-75
  • PT 42: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya)
  • PT 43: Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
  • PD 44: Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito
  • PU 45: Naisusulat nang wasto ang ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa
Ikatlong Linggo (5 Araw)
  • PN 46: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula
  • PB 47: Nasusuri ang mga elemento ng tula
  • PT 48: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
  • PU 49: Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
  • WG 50: Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
Ikaapat na Linggo (6 Araw)
  • PN 51: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda
  • PT 52: Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
  • PD 53: Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig
  • PS 54: Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
  • PU: Naisusulat ang sariling maikling kuwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyang may kaugnayan sa mga kaganapan sa binasang kuwento
  • WG: Nagagamit ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa isinulat na sariling kuwento
Ikalimang Linggo (6 Araw)
  • PB 55: Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan
  • PB 56: Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito
  • PT 57: Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan
  • PD 58: Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may paksang kaugnay ng binasa
  • WG 59: Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring –basa o panunuring pampanitikan
  • EP 60: Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan
Ikaanim na Linggo (6 Araw)
  • PN 61: Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa
  • PB 62: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda
  • PB 63: Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal)
  • PT 64: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
  • PD 65: Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: - paksa - paraan ng pagbabalita - at iba pa
  • PS 66: Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpat
  • PU 67: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu
  • WG 68: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap
Ikapitong Linggo (5 Araw)
  • PB 69: Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, email, at iba pa)
  • PT 70: Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
  • PD 71: Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media
  • PU 72: Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social media)
  • WG 73: Nagagamit ang kahusayan san gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at makahulugang akda

TEMA: Panitikan ng Africa at Persia

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan

Unang Linggo (5 Araw)
  • PN 74: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia
  • PB 75: Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan
  • PD 76: Nabibigyang-puna ang napanood na video clip
  • PS 77: Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/ pagtatalo)
  • WG 78: Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Ikalawang Linggo (6 Araw)
  • PN 79: Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota
  • PB 80: Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa tauhan tagpuan motibo ng awtor paraan ng pagsulat at iba pa
  • PT 81: Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi
  • PD 82: Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you tube
  • PU 83: Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota
  • WG 84: Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota
Ikatlong Linggo (6 Araw)
  • PN 85: Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
  • PB 86: Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalingha-gang pahayag sa tula
  • PT 87: Naiaantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag ng bawat Isa
  • PD: Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa: - kasiningan ng akdang binigkas - kahusayan sa pagbigkas - at iba pa
  • PU: Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig
Ikaapat na Linggo (6 Araw)
  • PN 88: Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan
  • PT 89: Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
  • PD 90: Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng binasang akda
  • PS 91: Naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: - sarili - panlipunan - pandaigdig
  • PU 92: Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang socila media
  • WG 93: Nabibigyang- kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
Ikalimang Linggo (6 Araw)
  • PN 94: Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan
  • PB 95: Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanayasay sa ibang akda
  • PT 96: Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)
  • PD 97: Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube
  • PS: Naisasagawa ang isang radyong pantanghalan tungkol sa SONA ng Pangulo ng Pilipinas
  • PU 98: Naisusulat ang isang talumpati na pangSONA
  • WG 99: Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at dituwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe
Ikaanim na Linggo (6 Araw)
  • PN 100: Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo
  • PB 101: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito
  • PT: Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan
  • PD 102: Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
  • PU: Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa tradisyong kinamulatan sa Africa at/o Persia
  • WG: Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa panunuring pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga talata
Ikapitong Linggo (5 Araw)
  • PN 103: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula
  • PD: Natataya ang napanood na pagtatanghal batay sa napagkaisahang mga pamantayan
  • PU: Naisusulat ang iskrip ng isang pagtatanghal tungkol sa kultura at kagandahan ng bansang Africa at Persia
  • WG: Nabibigyang-puna ang pagtatanghal gamit ang mga ekspresyong naghahayag ng sariling pananaw
  • EP 104: Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia

TEMA: El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aar... (Batay sa iyong ibinigay)

Unang Linggo (8 Araw)
  • PN 105: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
  • PB 106: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda 1 - pagpapatunay ng pagiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda - pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
  • PT 107: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
  • PD 108: Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline
  • PS 109: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo
  • PU 110: Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline
  • PU 111: Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
  • EP 112: Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik
Ikalawang Linggo (7 Araw)
  • PN: Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng nobela
  • PB 113: Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: - pagtunton sa mga pangyayari - pagtukoy sa mga tunggaliang naganap - pagtiyak sa tagpuan - pagtukoy sa wakas
  • PT 114: Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
  • PD 115: Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda
  • PS 116: Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa: - katangian ng mga tauhan - pagkamakatotohanan ng mga pangyayari - tunggalian sa bawat kabanata
  • PU 117: Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata
  • WG 118: Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata
Ikatlong Linggo (9 Araw)
  • PN 119: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda
  • PB 120: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang)
  • PB 121: Natatalakay ang mga kaisipang ito: - kabuluhan ng edukasyon - pamamalakad sa pamahalaan - pagmamahal sa: - Diyos - Bayan - Pamilya - kapwa-tao - kabayanihan - karuwagan - paggamit ng kapangyarihan - kapangyarihan ng salapi - kalupitan at pagsasaman-tala sa kapwa - kahirapan - karapatang pantao - paglilibang - kawanggawa - paninindigan sa sariling prinsipyo - at iba pa
  • PB 122: Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng : - karanasang pansarili - gawaing pangkomunidad - isyung pambansa - pangyayaring pandaigdig
  • PT: Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
  • PD 123: Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda
  • PS: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda
  • PU 124: Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda
  • WG 125: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin
Ikaapat na Linggo (6 Araw)
  • PN: Nabibigyang- puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang akdang nabasa, napanood o napag aralan
  • PB: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan
  • PB 126: Naisasaad ang pagkamakato-tohanan ng akda sa pamamagitan ng paguugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan
  • PT 127: Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol
  • PD: Naipaliliwanag ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa napanood na pelikula sa ilang pangyayari sa nobela
  • PS: Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang katulad na akda, gamit ang napiling graphic organizer
  • PU 128: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na akdang binasa
  • WG 129: Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
Ikalimang Linggo (6 Araw)
  • PN 130: Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan kagalakan/ kasiglahan pagkainip/ pagkayamot pagkatakot pagkapoot pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa
  • PB 131: Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: -romantisismo -humanismo -naturalistiko -at iba pa
  • PB 132: Nabibigyang-pansin, sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang ilang katangiang klasiko sa akda
  • PT 133: Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/ mga tauhan
  • PU 134: Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang- alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan
  • WG 135: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin
Ikaanim na Linggo (4 Araw)
  • PB: Naipakikita ang pakikiisa at pakikisangkot ng mga tauhan sa mga kaganapan o pangyayari sa akda sa pamamagitan ng pagiging: sensitibo pagkamahabagin
  • PS: Pangkatang pagsasadula ng nobela na isinasaalang alang ang sumjusunod: - paggamit ng wikang nauunawaan ng kabataan sa makabagong panahon - pag-uugnay ng mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rizal na makatotohanan pa rin sa kasalukuyang paggamit ng iba’t ibang makabagong paraan ng pagsasadula
  • PB 136: Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga panguring umaakit sa imahinasyon at mga pandama

Post a Comment

0 Comments